A "secret" literary folio of a NOT-SO-KNOWN Eccentric CLOSET POET/ASPIRING FILMMAKER/SELF-PROCLAIMED INSOMNIA QUEEN.
A venue for WEIRD musings of an INDIE MUSICIAN/CHORISTER-IN-HIATUS.
A place where I CAN GET LOST INTO.
My Tumblr My Twitter
I Read Them. I Love Them. Period. Spill My Words Jenni Epperson Jim Paredes World Poets Society Wheelers Vegan Ice Cream Video48 UkayUkay Resource Center The Tangled Web The Veluz Bride The Cherry Blossom Girl The Black Couch Chronicles Suelas Style Rookie Style Manila Southisms Popscene Manila Shoe Daydreams Sentimental Style S T Y L E S A M U R A I PostSecret Pop Reviews Now Love and Other Indoor Sports Music News Philippines Mich Dulce Blogged Luminous Silence Love, Any Love. Lourd De Veyra Little Miss Dressup Koralista's Commentaries KOMIX 101 I Am Super Bianca Hello, Lovine.com Hello Kitty Hell Fashion PULIS Face Hunter Everything Old Is New Again Crazy Concoctions Chic Clinic Chuvaness BryanBoy Bleach Catastrophe Elbert Or Bend & Snap Bake Happy Artistta AnnaDelloRusso Adventures of Mr. Slug & Friends Unpredictable Monster Ako Naman Parang Ha... Pinoy Running Realtor Markers of Beautiful Memories iMiggy |
|
Sunday, June 7, 2009 @ 2:07 AM
Magaganda Lang Ba Ang Pwedeng Mahalin?
Halos lahat ng nagiging crush ko, hindi ko nakukuha. Actually, LAHAT pala hindi ko nakukuha. Alam mo kung bakit? Kasi may mga kaibigan akong maganda. Anong koneksyon? Naeechepuwera ako at ang mga magaganda kong kaibigan ang natitipuhan nila. Oo, totoo yun. Mapahighschool, mapacollege, at kahit sa OJT, nangyari na sa’kin yun. Ang malas di’ba?! Ngunit kahit pilit kong mang maasar at ipasalvage na lang ang lahat ng mga magaganda… hinding-hindi ko magawa. Mga kaibigan ko yun eh… at may konsensiya rin naman ako.
Insecure ang maaaring itawag sa’kin, totoo naman, aminado ako. Kung ikaw nga ang nasa katayuan ko, malamang… ganun din ang aabutin mo. Umaasa pala sa wala, dahil ang object of affection mo ay nakitingin nga sa direksyon mo… pero sa katabi mong kaibigang maganda, kaasar! Ano bang definition ng “maganda, pretty, gorgeous” para sa’kin? Sila yung tipong mga kaibigan o kaklase ko na kahit magkasama kaming dalawa sa MRT at pormado ako at ipasuot ko sa kanya eh sako lang… siya pa rin ang pinapansin! Kasi sexy, matangkad, makinis siya, maputi, at ,mahaba ang buhok… leche! Ayan na naman ang typical attributes ng isang crush ng bayan, na wala ako kahit isa. Oo nga naman, kung itabi sa’kin ang mga model-esque friends ko, ano naming ilalaban ko? Assymetrical at short ang hairstyle ko, morena, hindi gaanong katangkaran, may pagka-creative masyado (weird in short), mahilig magbanda at makinig ng mga banda, fashionista,… at hindi payat. Kung required ilagay sa resume ang physical features… hindi na siguro ako mag-aapply ng trabaho. Ang tanging iniisip ko na nga lang ay, “At least, matalino ako at talented.” Tapos lately lang, nalaman ko na yung pretty friend ko sa OJT ay isang Magna cum Laude. Sorry naman! At dahil dun… nabasag na naman ang self-confidence ko. Yey! Madedepress na naman ako nito sigurado. :(
Hindi ko alam kung bakit ako lapitin ng mga magagandang kaibigan… siguro nakita nila na kapag dumikit sila sa’kin, tiyak litaw ang beauty nila. Thanks a lot huh! (pun intended by the way) Sa pagkatagal-tagal ko nang buhay dito sa mundong ibabaw (21 years and counting), never… as in NEVER ko atang naranasan na AKO ang pinipili over the other. Never akong nasabihan na maganda at NEVER man lang ako nakatanggap ng kahit isang bulaklak galing sa isang lalaki. Kung ayaw mong maniwala, sige, may kwento ako galing sa baul este noong highschool ako.
Minsan, pag naglalakad ako, I can’t help but think kung bakit para lang akong kaluluwa sa mga nagiging crush ko. Pansamantala nilang akong pinapansin, pero kapag nandyan na ang pretty-friend-of-the-moment ko… goodbye crush, hello sadness na naman ang drama ko. Kahit na parang palaka ang boses, bakit silang mga magaganda pa rin ang nag-stastandout? Hanggang ngayon, isa siyang napakalaking palaisipan. Ano bang hiwaga ang meron sa mga magagandang ‘yan at para silang mga diwatang nakakabingwit ng dose-dosenang boylets? Grabe naman, mamigay naman sila!
Sa aking pagmumuni habang naglalakad isang araw sa
Oo, parang ang selfish naman nang mga sentimiyento ko pero tao lang rin naman ako. Nagagalit, nasasaktan… at na-iinsecure rin paminsan-minsan. May karapatan rin naman ako na ipahayag ang nais kong sabihin di’ba? Ngunit kahit ano pa man ang sabihin ko, kahit magalit pa ako… at kahit mamigay pa’ko ng libreng cheeseburger… ganoon pa rin naman ang mangyayari, ang mga magagandang nagiging kaibigan ko ang pinipili nilang lahat. Sila na naman ang pagkakaguluhan at aalayan ng mga chocolates and roses. Wala na namang matitira para sa’kin, wala na naman. :( |