ako. si. c.
ako. si. c.
ako. si. c. (I AM C)
Are YOU just PLAIN CURIOUS or SIMPLY NOSY?

A "secret" literary folio of a NOT-SO-KNOWN Eccentric CLOSET POET/ASPIRING FILMMAKER/SELF-PROCLAIMED INSOMNIA QUEEN.

A venue for WEIRD musings of an INDIE MUSICIAN/CHORISTER-IN-HIATUS.

A place where I CAN GET LOST INTO.


My Tumblr My Twitter
Do You EVEN Know Me?

i am CREATIVE. i am CURIOUS. i write and COMPOSE what i please. i CAN do whatever i want. i CAN sometimes be COLD. i am CANDID. i COULD be anyone... i COULD just be any girl... but i DO have ONE NAME. I AM C. I AM CAMS AND THIS IS MY CATHARSIS.
I Read Them. I Love Them. Period.

Spill My Words Jenni Epperson Jim Paredes World Poets Society Wheelers Vegan Ice Cream Video48 UkayUkay Resource Center The Tangled Web The Veluz Bride The Cherry Blossom Girl The Black Couch Chronicles Suelas Style Rookie Style Manila Southisms Popscene Manila Shoe Daydreams Sentimental Style S T Y L E S A M U R A I PostSecret Pop Reviews Now Love and Other Indoor Sports Music News Philippines Mich Dulce Blogged Luminous Silence Love, Any Love. Lourd De Veyra Little Miss Dressup Koralista's Commentaries KOMIX 101 I Am Super Bianca Hello, Lovine.com Hello Kitty Hell Fashion PULIS Face Hunter Everything Old Is New Again Crazy Concoctions Chic Clinic Chuvaness BryanBoy Bleach Catastrophe Elbert Or Bend & Snap Bake Happy Artistta AnnaDelloRusso Adventures of Mr. Slug & Friends Unpredictable Monster Ako Naman Parang Ha... Pinoy Running Realtor Markers of Beautiful Memories iMiggy
Friday, June 12, 2009 @ 4:52 AM
Magnet
You draw me in,
You're my magnet
You're someone I couldn't forget
But liking you is my deepest, darkest secret.

Yes, you're a magnet
You're definitely MY magnet
Someone so unforgettable,
Someone so irreplaceable.

But sadly, our souls repel
Why so? Neither I couldn't tell.
But someday, I wish you'll still be MY magnet
I hope you'll be THE one I will eventually covet.
Wednesday, June 10, 2009 @ 4:06 AM
Sshh... I've Got a Secret
Sshh... I've got a secret.
I know it's really meant to be kept
But it's nagging me over and over
I'm just human, I couldn't stay mum forever!

I am falling for a friend
But telling him the truth will make our friendship end
I wouldn't be able to bear that
And I wouldn't be able to let him go

Yes, that is my secret
A secret that I can never divulge
A secret that can destroy me
And can give my life an endless supply of misery

Sshh... Please keep it a secret
Because I am scared to share it
But on the day that I'll become brave,
I will confess everything to him, instead of bringing it up to my grave.
Monday, June 8, 2009 @ 12:10 AM
If Music Was the Ultimate Cure...
If music was the ultimate cure,
Pain and loneliness are surely the things I will not endure
But music is also created through personal pain
And sad feelings relished when there is rain

If music was an escape from sadness
I think everyone will gain utmost happiness
Yet these are just wistful musings,
These are just mere wishes

If music was my anti-depression balm
Maybe everything around me would be calm
Alas, music can also slap me back to reality,
That will surely make me face another day full of insanity
Sunday, June 7, 2009 @ 2:07 AM
Magaganda Lang Ba Ang Pwedeng Mahalin?

Halos lahat ng nagiging crush ko, hindi ko nakukuha. Actually, LAHAT pala hindi ko nakukuha. Alam mo kung bakit? Kasi may mga kaibigan akong maganda. Anong koneksyon? Naeechepuwera ako at ang mga magaganda kong kaibigan ang natitipuhan nila. Oo, totoo yun. Mapahighschool, mapacollege, at kahit sa OJT, nangyari na sa’kin yun. Ang malas di’ba?! Ngunit kahit pilit kong mang maasar at ipasalvage na lang ang lahat ng mga magaganda… hinding-hindi ko magawa. Mga kaibigan ko yun eh… at may konsensiya rin naman ako.


Insecure ang maaaring itawag sa’kin, totoo naman, aminado ako. Kung ikaw nga ang nasa katayuan ko, malamang… ganun din ang aabutin mo. Umaasa pala sa wala, dahil ang object of affection mo ay nakitingin nga sa direksyon mo… pero sa katabi mong kaibigang maganda, kaasar! Ano bang definition ng “maganda, pretty, gorgeous” para sa’kin? Sila yung tipong mga kaibigan o kaklase ko na kahit magkasama kaming dalawa sa MRT at pormado ako at ipasuot ko sa kanya eh sako lang… siya pa rin ang pinapansin! Kasi sexy, matangkad, makinis siya, maputi, at ,mahaba ang buhok… leche! Ayan na naman ang typical attributes ng isang crush ng bayan, na wala ako kahit isa. Oo nga naman, kung itabi sa’kin ang mga model-esque friends ko, ano naming ilalaban ko? Assymetrical at short ang hairstyle ko, morena, hindi gaanong katangkaran, may pagka-creative masyado (weird in short), mahilig magbanda at makinig ng mga banda, fashionista,… at hindi payat. Kung required ilagay sa resume ang physical features… hindi na siguro ako mag-aapply ng trabaho. Ang tanging iniisip ko na nga lang ay, “At least, matalino ako at talented.” Tapos lately lang, nalaman ko na yung pretty friend ko sa OJT ay isang Magna cum Laude. Sorry naman! At dahil dun… nabasag na naman ang self-confidence ko. Yey! Madedepress na naman ako nito sigurado. :(


Hindi ko alam kung bakit ako lapitin ng mga magagandang kaibigan… siguro nakita nila na kapag dumikit sila sa’kin, tiyak litaw ang beauty nila. Thanks a lot huh! (pun intended by the way) Sa pagkatagal-tagal ko nang buhay dito sa mundong ibabaw (21 years and counting), never… as in NEVER ko atang naranasan na AKO ang pinipili over the other. Never akong nasabihan na maganda at NEVER man lang ako nakatanggap ng kahit isang bulaklak galing sa isang lalaki. Kung ayaw mong maniwala, sige, may kwento ako galing sa baul este noong highschool ako.


Malapit na kaming grumaduate from highschool at naisipan ng napakagaling kong kaibigang siyempre, maganda; na i-set-up ako sa isang blind date. Ang masama pa, wala man lang akong idea na blind date ito dahil ang alam ko, tatlo lang kaming manonood ng sine… HINDI APAT. Pag dating na pagdating ko sa meeting place, ‘lo and behold… may ikaapat ngang kasama si pretty friend… ang crush kong kaservice pala! She tried to pair us up in two different occasions pala, isang “movie date” (na Spongebob the Movie ang pinanood namin, wow, how sweet di’ba?) at isang “bowling date” (na ako lang ang naka-strike sa group). Sige, i-fafast forward ko na… in the end, pagdating ng freshman year sa college, silang DALAWA ang nagkatuluyan. Anong nangyari sa’kin? Wala. Natulala na lang ako nung malaman ko. Siguro, may pagka martyr din ako eh, ako pa ang tumulong sa kanila para magbalikan sila. Ang bait ko pala, mukhang napasobra nga lang


Minsan, pag naglalakad ako, I can’t help but think kung bakit para lang akong kaluluwa sa mga nagiging crush ko. Pansamantala nilang akong pinapansin, pero kapag nandyan na ang pretty-friend-of-the-moment ko… goodbye crush, hello sadness na naman ang drama ko. Kahit na parang palaka ang boses, bakit silang mga magaganda pa rin ang nag-stastandout? Hanggang ngayon, isa siyang napakalaking palaisipan. Ano bang hiwaga ang meron sa mga magagandang ‘yan at para silang mga diwatang nakakabingwit ng dose-dosenang boylets? Grabe naman, mamigay naman sila!


Sa aking pagmumuni habang naglalakad isang araw sa Makati, napaisip ako bigla. Siguro nung nagpa-ulan nang kagandahan ang Diyos malamang, tulog ata ako. Pero ano namang magagawa ko di’ba? Kahit ata sampung novena ang dasalin ko, hindi naman biglang mag-iiba ang lahat and everyone will favor me over them. Yeah, I admit it is quite depressing. Puro asa na lang ang nararating. Kaya nga kapag naririnig ko ang mga quotable quotes tulad ng: “There’s still hope,” “Think positive,” parang gusto kong isaksak sa mga bibig nila ang mga katagang yan at itulak sila sa isang 40-floor building. Bakit? Dahil ang hope and positivity ay mailap na rin ngayon tulad ng pera. Mukhang kailangan na ring mamalimos para makuha ang mga ito.


Oo, parang ang selfish naman nang mga sentimiyento ko pero tao lang rin naman ako. Nagagalit, nasasaktan… at na-iinsecure rin paminsan-minsan. May karapatan rin naman ako na ipahayag ang nais kong sabihin di’ba? Ngunit kahit ano pa man ang sabihin ko, kahit magalit pa ako… at kahit mamigay pa’ko ng libreng cheeseburger… ganoon pa rin naman ang mangyayari, ang mga magagandang nagiging kaibigan ko ang pinipili nilang lahat. Sila na naman ang pagkakaguluhan at aalayan ng mga chocolates and roses. Wala na namang matitira para sa’kin, wala na naman. :(

monthly archive

June 2009 July 2009 August 2009 September 2009 May 2010 June 2010 October 2010 December 2010 January 2011 March 2011 April 2011 August 2011 October 2011 November 2011 January 2012 February 2012 March 2012 July 2012 September 2012
recent entries

Humdrums on a Lazy Saturday Night My Waltz with the Green-eyed Monster Of Coffee Shops and Being Alone The Lone Traveler Friendzone "Dear Mr. Right" Failing Miserably Is NOT My Cup Of Tea To The Unknown Dear Karma... WRATH of the Insomnia Queen
LAYOUT BANNER COLORS MINIICONS